PAANO MAPAPANATILI ANG LUSOG AT HATCHABILITY NG MGA ITLOG NG BREEDERS?
LUZON ENDORSERS
Sapat na Macro at Micro Minerals para sa mga Breeder
Sa breeding, hindi sapat ang puro bitamina lamang, mas mahalaga ang pagbibigay ng sapat na macro at micro minerals (trace minerals) upang mapataas ang hatchability ng mga itlog.
– Andrew Cepillo
Malinis at Systematic Routine sa Paghahanda ng mga Breeder
Sa pagpapanatili ng magandang kalidad at hatchability ng mga itlog ng ating mga breeder, sa priming pa lang o paghahanda sa breeding ay kailangan nang isagawa ang mga importanteng hakbang.
Higit na kailangan ang pag-delouse o flushing ng mga inahin, tulad ng bacterial flushing. Kailangan din ang pag-iindyeksyon ng mga kinakailangang bitamina at suplemento tulad ng B-Complex at ADE supplements, lalo na kung medyo may edad na ang ating mga inahin. Kasama rin dito ang pagpapaligo at pagpurga bago sila isalang sa simula ng breeding.
Kasabay rin niyan ang paghahanda sa mga broodcock at broodstag. Sa RJDD Raphael’s Gamefarm, katulad ng pag-aalaga sa manok na panlaban, ganoon din ang ginagawa naming routine sa kaniyang pang-araw-araw na pagpapakain. Kailangan ang malakas at magandang hubog ng katawan, wastong pagkain, at regular na pagbibigay ng mga bitamina at minerals sa takdang araw.
Tandaan, ang isang malusog at systematic na breeding ay magdadala ng healthy offspring. Sigurado ka sa dami ng produksyon, at sigurado ka ring malusog at malayo sa sakit ang mga sisiw.
Ang ating pundasyon ay hindi lamang nakasalalay sa mga bloodline na ating iniingatan; kasama rin dito ang matibay na pundasyon ng kalusugan mula sa simula sa pamamagitan ng malinis at systematic na pamamaraan—dahil ITLOG PA LANG, MAY LABAN KA NA!
– Ramon Dimayuga
VISAYAS ENDORSERS
Bakuna Laban sa Egg Drop Syndrome Bawat Breeding Season
Every breeding season, I see to it na vaccinated ang lahat ng aking breeding materials laban sa Egg Drop Syndrome. Ito ay para protektado sila sa sakit at the same time, protected din ang kanilang mga sisiw sa loob ng 14 days.
– Michael “Patong” Ledesma