CHAMPION TIPS SA MAHAHALAGANG HEALTH MANAGEMENT PRACTICES HABANG NAGRE-RANGE ANG GAMEFOWL

LUZON ENDORSERS

Mahahalagang Health Management Practices sa Range: Malinis na Tubig at Tamang Suplementasyon para sa Malusog na Gamefowl

Siguraduhing laging may malinis at sariwang tubig na maiinom ang mga gamefowl habang nasa range. Mahalaga ring pag-aralang mabuti ang tamang pagbibigay ng mga bitamina at suplemento, ayon sa kondisyon ng panahon at sa kasalukuyang estado ng kalusugan ng ating mga alaga. Sa pamamagitan nito, mas mapapanatili ang kanilang magandang pangangatawan at resistensya habang nagre-range.

– Andrew Cepillo

VISAYAS ENDORSERS

Mahahalagang Health Management Practices sa Range: Regular na Disinfection at Bitamina para sa Malusog na Gamefowl

Regular na i-disinfect ang range area upang makatulong sa pag-iwas sa sakit at mapanatiling malinis ang kapaligiran ng mga gamefowl. Siguraduhin ding may sapat na inuming tubig na may bitamina upang masuportahan ang kanilang kalusugan at resistensya. Mainam ding paliguan sila kada 15 araw upang mapanatili ang kanilang kalinisan at magandang kondisyon.

Melque Benedicto

Raw Sugar, Multiyte, at CoxibanKompletong Suporta Matapos ang Marek’s Vaccination

Ugaliing laging malinis at sariwa ang tubig na ibinibigay sa mga gamefowl. Sa aming farm, bawat dalawang oras ay nagpapalit kami ng tubig upang masiguro ang kalinisan nito. Mahalaga rin na panatilihing malinis ang mga barn house, kung gumagamit ng ipa o rice hull. Tiyaking bago at malinis ito, at ugaliing palitan kada tatlong araw o depende sa dami at kondisyon ng inilalagay sa kulungan. Upang makatulong sa pag-iwas sa ammonia at mapanatiling malinis ang kapaligiran, maaaring gumamit ng disinfectant o mga alternatibong panlinis tulad ng Zonrox.

–  Michael “Patong” Ledesma

MINDANAO ENDORSERS

Mahahalagang Health Management Practices sa Range Malinis na Kapaligiran, Kumpletong Bakuna, at De-kalidad na Feeds

Para mapanatiling malusog ang ating mga sisiw habang nasa range, mahalagang tiyakin na malinis ang kanilang iniinom na tubig at maayos ang kalinisan ng kanilang kapaligiran. Siguraduhin ding kumpleto ang kanilang bakuna bago sila pakawalan sa range upang magkaroon ng sapat na proteksyon laban sa mga sakit. Higit sa lahat, tiyaking de-kalidad at sariwa ang feeds na kanilang kinakain upang masuportahan ang kanilang kalusugan at paglaki. Personal kong ginagamit at subok ko na ang Iron Claw Feeds bilang bahagi ng maayos na nutrisyon para sa mga gamefowl habang nasa range.

– Raul Galaura