Champion Tips sa pagpapalakas ng Katawan at resistensiya ng breeders
LUZON ENDORSERS
Wastong Pangangalaga sa Breeders: Tamang Bakuna at Nutrisyon para sa Mataas na Breeding Success
Mahalagang dumaan ang mga breeders sa tamang iskedyul ng bakuna na angkop sa kanilang pangangailangan. Siguraduhin din na nabibigyan sila ng tama’t sapat na vitamins at minerals na kailangan ng mga inahin, upang mapanatili ang tibay at kalidad ng eggshell. Nakakatulong ito upang mas humaba ang buhay at maging mas maayos ang kalidad ng semilya sa loob ng itlog, na mahalaga para sa mas mataas na breeding success.
– Andrew Cepillo
VISAYAS ENDORSERS
Pagpapanatili ng Kondisyon ng Breeding Stocks: Vitamin B12 Injection para sa Lakas at Resistensya
Upang mapanatiling nasa maayos na kondisyon at laging masigla ang mga manok, mainam na magbigay ng Vitamin B12 injection tuwing ika-15 days. Nakakatulong ito sa pagpapalakas ng katawan, gana sa pagkain, at pangkalahatang resistensya ng mga breeding stocks.
– Melque Benedicto
MINDANAO ENDORSERS
Wastong Pangangalaga sa Breeding Materials: Regular na Paliligo, Purga, at Tamang Nutrisyon
Para mapanatili ang malusog at masiglang pangangatawan ng mga ginagamit sa breeding, kailangan silang paliguan isang beses kada linggo, magpurga kada buwan, at magbigay ng mga bitamina na angkop sa kanilang pangangailangan. Siguraduhin din na sila ay pinapakain nang dalawang beses kada araw gamit ang de-kalidad na breeder pellets tulad ng Iron Claw Pelletized Breeding Ration upang masigurong nasa pinakamainam ang kanilang kondisyon para sa breeding.
– Raul Galaura