Champion Tips Sa Pag-aalaga Ng Manok Panabong, Bago At Pagkatapos Ng Laban
LUZON ENDORSERS
“Kumpletong Gabay sa Pag-aalaga ng Manok Panabong: Mula Conditioning Hanggang Post-Fight Recovery”
• Mahalaga ang maagang paghahanda sa laban. Maging mapanuri sa kilos at galaw ng mga manok upang matiyak na ang ihahanda para sa laban ay nasa tamang kondisyon.
• Siguraduhin ang tamang nutrisyon at sapat na training—huwag sobra upang maiwasan ang stress.
• Panatilihin ang tamang fighting weight at bigyan ng sapat na pahinga, supplements, at tamang sukat ng pagkain bago ang laban. Obserbahan ang bilis ng pagtunaw ng pagkain bilang gabay sa pointing para sa tamang moisture at hipo sa araw ng laban.
• Pagkatapos ng laban, ilagay ang sugatang manok sa tuyo at maaliwalas na lugar, at bigyan ng gamot at supplements para sa mabilis na paggaling.
• Panatilihing malinis ang rehabilitation area at regular namag-disinfect upang maiwasan ang impeksyon at pabilisin ang pag-recover.
-Ramon Dimayuga
VISAYAS ENDORSERS
“Pag-aalaga Bago at Pagkatapos ng Laban: Tamang Kondisyon, Proteksyon, at Reward”
• Piliin ang pinakamahusay mong manok at regular silang paliguan gamit ang shampoo at bigyan ng bakuna kada 15 days para siguradong nasa magandang kondisyon bago ilaban.
• Bigyan ng Vitamin B12 para dagdag enerhiya bago ang laban.
• Pagkatapos ng laban, bigyan sila ng tamang pag-aalaga at reward. Sa akin, kapag nanalo ang manok at wala namang sugat, binibigyan ko ito ng pullet bilang reward, maganda ito para sa motivation at breeding potential ng iyong panabong.
– Melque Benedicto
MINDANAO ENDORSERS
“Tamang Pangangalaga sa Manok Panabong: Kondisyon Bago ang Laban at Pag-Recover Pagkatapos”
• Bago ilaban ang manok, natural na mas matindi ang pag-aalaga dahil nasa conditioning at pointing stage. Iwasang mabasa sa ulan o kaya sobrang mainitan.
• Pagkatapos ng laban, ilagay agad sila sa kanilang kulungan para makapagpahinga. Dapat painumin agad sila ng gamot para sa sugat upang mas mabilis ang paghilom at pag-recover
– Raul Galaura