Champion Tips Kung Paano Malalaman Kung Handa Na Sa Laban Ang Iyong Manok

LUZON ENDORSERS

Palatandaan ng Kahandaan sa Laban: Consistent ang Galaw at nasa Peak Form 

 Isa sa mga senyales na handa na ang iyong manok sa laban ay kapag consistent na ang galaw at palaging panalo na ito sa sparring.

Isa pa sa mga senyales nito ay kapag “na-point” na ang manok  o napansin mong nasa peak form na ito. Doon mo masasabi na handa na ito sa totoong laban.

– Andrew Cepillo

VISAYAS ENDORSERS

Palatandaan ng Kahandaan sa Laban: Matatag na Katawan at Matalas na Paningin

Dapat ang manok, parang agila kung tingnan. Ibig sabihin, solid ang katawan, matatag, at puno ng lakas. Dapat din ay matalas ang mga mata, parang eagle eyes, alerto, at laging handang umatake.

Melque Benedicto

MINDANAO ENDORSERS

Palatandaan ng Kahandaan sa Laban: Kalmado pero Alerto

Malalaman mong handa na ang manok mo sa laban kapag kalmado  na siya sa limber pen. Hindi na siya gaanong magalaw, pero alerto.

 Minsan, mapapansin mo rin na naghe-head knock siya. Ito ang mga senyales na dapat nating obserbahan sa ating mga manok kapag malapit na ang kanilang laban.

– Raul Galaura