Champion Tips Farm Maintenance Sa Panahon Ng Tag-ulan

LUZON ENDORSERS

“Palit Kusot at Disinfection: Para sa Malusog na Manok” Ngayong tag-ulan, ugaliing linisin at i-disinfect ang kulungan araw-araw. Huwag ding kalimutang palitan ang basang kusot o rice hull para manatiling tuyo, malinis, at komportable ang tirahan ng ating mga alagang manok.

– Andrew Cepillo

VISAYAS ENDORSERS

“Disinfection sa Breeding Pen: Proteksyon Para sa mga Alaga”

Sa panahon ng tag-ulan, siguraduhing laging i-disinfect ang breeding pen upang mapanatiling malinis ang paligid. Nakakatulong ito para makaiwas sa pagkalat ng sakit sa mga alaga.

Melque Benedicto

“Komportableng Kulungan, Laking Tulong sa Tag-Ulan”

Tandaan na sa panahon ng tag-ulan, mas kailangan nating pagtuunan ng pansin ang kalinisan at komporatableng kulungan. Ang mabilis at malusog na paglaki ng mga sisiw, pati na rin ang kundisyon ng ating mga panlaban, ay hindi lang nakadepende sa pagkain at supplements—nakasalalay din ito sa malinis, tuyo, at komportableng tirahan o pahingahan.

-Ramon Dimayuga

MINDANAO ENDORSERS

”Proteksyon sa Tag-ulan: Gamit ng Rice Hull sa Brooder”

Para mapanatiling tuyo at komportable ang ating barn o brooder house, mahalagang lagyan ito ng rice hull. Nakakatulong ito upang hindi mabasa ang paligid, at mapanatiling healthy ang ating mga sisiw.

– Raul Galaura