Champion Tips sa pagpapalakas ng Katawan at resistensiya ng breeders
LUZON ENDORSERS
Smart Farm Practice: Tamang Bakuna at De-Kalidad na Feeds
Ibigay ang tamang bakuna ayon sa programa ng farm. Hangga’t maaari, iwasan ang maagang pagbibigay ng antibiotics sa mga sisiw. Maging mapanuri sa pagpili ng feeds na ibibigay at siguraduhing tugma ang mga ito sa programa ng bakuna. Mas mainam ang paggamit ng Iron Claw feeds dahil subok ko na ang kalidad nito.
Iwasan din ang pagbibigay ng feeds na may anticoccidiostat kung may ibinibigay na bakuna laban sa coccidiosis.
– Andrew Cepillo
VISAYAS ENDORSERS
Raw Sugar, Multiyte, at Coxiban: Kompletong Suporta Matapos ang Marek’s Vaccination
Day-old pa lamang ay inililipat na sila sa farm. Dito sa bahay kami nagbi-breeding at nag-iincubate upang mas mabantayan sila. Kapag marami ang batch, pinagsasama-sama lamang sila sa gabi upang maiwasan ang stampede. Nagbibigay din kami ng probiotics at vitamins araw-araw. May heater din kaming inihahanda lalo na kapag maulan o masyadong malamig sa bundok.
Sa unang buwan, dapat naka-Iron Claw Chick Booster Crumble ang mga sisiw at pinapakain sila ng 3–4 na beses sa isang araw.
– Melque Benedicto
Raw Sugar, Multiyte, at Coxiban: Kompletong Suporta Matapos ang Marek’s Vaccination
Pagkatapos mabakunahan laban sa Marek’s disease (Mareks vaccine), nagbibigay ako araw-araw ng kaunting raw sugar (pulang asukal) bilang dagdag enerhiya. Tuwing tanghali naman ay nagbibigay ako ng Multiyte Premium. Pagsapit ng ika-12 araw, binibigyan ko sila ng Coxiban bilang panlaban sa coccidiosis.
– Michael “Patong” Ledesma