Champion Tips Kung Paano Malalaman Kung Handa Na Sa Laban Ang Iyong Manok
LUZON ENDORSERS
Palatandaan ng Kahandaan sa Laban: Consistent ang Galaw at nasa Peak Form
Isa sa mga senyales na handa na ang iyong manok sa laban ay kapag consistent na ang galaw at palaging panalo na ito sa sparring.
Isa pa sa mga senyales nito ay kapag “na-point” na ang manok o napansin mong nasa peak form na ito. Doon mo masasabi na handa na ito sa totoong laban.
– Andrew Cepillo
VISAYAS ENDORSERS
Palatandaan ng Kahandaan sa Laban: Matatag na Katawan at Matalas na Paningin
Dapat ang manok, parang agila kung tingnan. Ibig sabihin, solid ang katawan, matatag, at puno ng lakas. Dapat din ay matalas ang mga mata, parang eagle eyes, alerto, at laging handang umatake.
– Melque Benedicto
MINDANAO ENDORSERS
Palatandaan ng Kahandaan sa Laban: Kalmado pero Alerto
Malalaman mong handa na ang manok mo sa laban kapag kalmado na siya sa limber pen. Hindi na siya gaanong magalaw, pero alerto.
Minsan, mapapansin mo rin na naghe-head knock siya. Ito ang mga senyales na dapat nating obserbahan sa ating mga manok kapag malapit na ang kanilang laban.
– Raul Galaura