Champion Tips Ngayong Tag-init: Paano Mapapanatiling May Laban Sa External At Internal Parasites Ang Inyong Mga Alagang Panabong

LUZON ENDORSERS

 “Delousing at Deworming: Proteksyon ng mga Taling Stags!”

Ang buwanang delousing at deworming ay mahalagang isinasagawa lalo na sa mga naka-taling stags upang maiwasan ang pagkakaroon ng internal at external parasites.

Sa aking karanasan, hindi ako regular na nagpapaligo ng cockrels dahil sa aming lugar ay bihira lamang ang magkaroon ng external parasites. Bukod pa rito, naniniwala ako na ang natural na langis sa balahibo ng manok ay mahalaga para magsilbing proteksyon laban sa ulan—tumutulong ito upang dumulas ang tubig at hindi mag-penetrate sa loob ng balahibo ng manok.

– Andrew Cepillo

VISAYAS ENDORSERS

 “Shampoo Kada 15 Days, Para Iwas External Parasites, Stress at Sakit!”

Mag-shampoo kayo sa mga alaga ninyong mga manok every 15 days, upang masigurong malinis ang kanilang balahibo at maiwasan ang pagkakaroon ng external parasites gaya ng kuto at surot. Sa ganitong paraan, mapapanatili rin ang kanilang kalusugan at maiiwasan ang labis na stress.

Melque Benedicto

MINDANAO ENDORSERS

”Kalusugan ng Manok: Importansiya ng Regular na Pagpupurga at Pagpapaligo”

Para sa mas malusog na alagang manok, mahalagang isagawa ang regular na pagpupurga at pagpapaligo.

Inirerekomenda ko ang regular na pag-pupurga upang mapanatiling malinis at ligtas ang bituka laban sa mga parasites. Mahalaga rin ang paggamit ng Oxyrid sa mga pagkakataong may napapansing parasites na umaabot sa mata ng manok, upang ito ay agad na matanggal at maiwasan ang komplikasyon.

Pagdating naman sa peste tulad ng kuto, makatutulong ang regular na pagpapaligo every 15 days gamit ang Zero Mite Shampoo. Nakakatulong ito upang maiwasan ang labis na stress at mapanatili ang maayos na kalusugan ng ating mga alaga.

Sa kabuuan, ang consistent na pagpupurga at regular na pagpapaligo ay epektibong paraan upang maiwasan ang pagdami ng mga insekto o parasites na maaaring makaapekto sa kondisyon ng ating mga alagang manok.

– Raul Galaura