Champion Tips kung paano mag-simula, mag-alaga ng manok panabong
LUZON ENDORSERS

“Tagumpay sa Pag-aalaga: Puso, Oras, at Iron Claw Feeds”
Bukod siyempre sa perang kakailanganin mo kapag magsisimula ka nang mag-breed, mahalaga ring mayroong kang dedikasyon, passion, at pagmamahal sa ginagawa mo. Dapat ay handa kang maglaan ng oras at panahon para sa iyong mga alaga, dahil kahit may pera ka, kung kulang naman ang atensyon mo at iaasa mo lang sa mga tauhan ang pag-aalaga at pamamahala, hindi ka rin matututo.
Kung sasamahan mo rin ito ng pagpapakain ng quality feeds kagaya ng Iron Claw Feeds, mas lalong gaganda ang resulta. Sa halos walong taon ko nang gumagamit ng Iron Claw Feeds, masasabi kong ito ang isa sa mga dahilan kung bakit ako nakalalamang sa pagpapalaki ng manok—iba talaga kapag laking Iron Claw.
– Andrew Cepillo
VISAYAS ENDORSERS

You should buy from the best breeder in town. Mag-handa din ng magandang breeding pen tapos bigyan mo ng magandang feeds, tulad ng ginagamit ko na feeds, which is Iron Claw Feeds.
– Melque Benedicto

Bago magsimula mag simula pumasok sa gamefowl breeding, kailangan i-consider ang mga bagay na ito:
- Budget – kailangan maghanda ng budget na kakailanganin natin. Mag breed lamang tayo kung ilan lang ang kaya ng ating budget.
- Acquire Quality Bloodlines – masyadong magastos mag-alaga ng manok panabong. kumuha tayo ng maaayos na bloodlines sa mga honest breeders.
- Gumamit ng Quality Feeds – Iron Claw Feeds ang aking choice para sa champion-quality gamefowls.
-Paul Panes
MINDANAO ENDORSERS

Upang maging successful tayo sa pag-aalaga ng manok panabong, maging maselan po tayo sa pagpili ng ating pararamihing bloodline.
Una po dyan ang selection. Piliin ang “bloodline” kung saan tayo hiyang. Pangalawa, mag breed ng kaya lamang ng ating budget. Pangatlo, bukod sa ating mga alagang manok panabong, dapat rin nating alagaan ng mabuti ang ating mga (tao sa farm) para naman di nila pabayaan ang ating mga manok. Pang-apat, dapat maging mapag-masid din tayo sa ating alaga at sa ating mga tao. Pang-lima, maging matiyaga. Taasan natin ang ating pasensya at tuparin natin ang ating responsibility sa ating tao at sa ating alagang manok panabong. Pang huli at at ang pinaka-importante sa lahat, gumamit ng quality at garantisadong feeds. Ang Iron Claw Feeds ang nakita kong pinaka mabisa upang makamit natin ang tagumpay sa ating pagmamanok.
– Raul Galaura